Isinalin ni Callia Vernice P. Yosuico
Paano kung gumastos tayo ng higit sa kapayapaan at mas mababa sa mga armas?
Halina’t sumali at ibahagi ang iyong boses!
Ang United Nations Office for Disarmament Affairs ay nagsasagawa ng "Paano kung - Spesterra" Youth Video Challenge upang pasiglahin ang interes at kaalaman ng mga kabataan tungkol sa kung paano nakaaapekto ang pag-aalis ng sandata upang magkaroon ng isang mas ligtas, mas tiwasay at likas-kayang mundo para sa lahat.
Galing sa mga salitang Latin na spes (pag-asa) at terra (lupa), ang Spesterra Youth Video Challenge ay nanawagan sa lahat ng mga kabataan na isipin ang isang mundo na walang sandata ng malawakang pagkawasak, kung saan ang mga armas ay mahigpit na binabantayan at ang mga mapagkukunan ay nakalaan sa nasasalat na mga benepisyong panglipunan at pang-ekonomiya para sa mga tao at sa mundo.
Sumali ngayon at ibahagi ang iyong boses! Basahin ang higit pang impormasyon at isumite ang inyong mga video sa https://www.youth4disarmament.org/spesterra-video-challenge(ang nilalaman ay mababasa sa Ingles lamang).